Monday, July 23, 2018

SONA | Pinuri ni Robin Padilla si Direk Joyce Bernal


Pinuri ni Robin Padilla ang movie director na si Joyce Bernal dahil sa hindi nito pagpapabayad sa pag-direk niya sa SONA ni Pangulong Duterte.

Idinaan ni Robin sa instagram ang pagpuri niya kay Bernal.

Nauna nang sinabi ni Bernal na karangalan para sa kanya na mag-direk ng SONA kaya hindi siya nagpabayad.


Samantala si Bernal din ang magsisilbing producer ng ginagawa nilang pelikula ngayon na “children of the lake” kasama ang co-producer na si Piolo Pascual habang ilan sa mga bibida sa pelikula sina Robin Padilla, Cid Lucero, Mylene Dizon, at Jasmine Curtis-Smith.

Iikot ang kwento sa pagkikipagbakbakan ng mga sundalo sa mga teroristang ISIS at pagligtas sa mga bihag nito sa Marawi City.


Ang pelikula ay ide-derek ni Sheron Dayoc na nasa likod ng gawad Urian-Winning movie na Women of the Weeping River (2016).

Target itong maipalabas sa anibersaryo ng Marawi sa Mayo o sa Independence Day sa Hunyo ng susunod na taon.

Source: RMN

Related Articles

SONA | Pinuri ni Robin Padilla si Direk Joyce Bernal
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email