Taxi driver nagsauli ng higit P150K halaga ng cash at gamit na naiwan ng pasahero


Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang isang taxi driver na nagbalik ng higit P150,000 halaga ng cash at gamit sa isa niyang pasahero nitong Martes.

Inihatid umano ni Rodney Chad Mallari ang Amerikanang pasahero na si Belen Zoza Swelger sa isang hotel sa Pasay City. Pero naiwan ng pasahero ang kaniyang bag na naglalaman ng P50,000 at $2,000 cash na katumbas ay higit P100,000, cellphone at mga ID.

Nang mapansin ng driver ang mga naiwang gamit, agad itong tumungo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 para makipag-ugnayan sa nakaiwang pasahero kaya mabilis naisauli ang mga ito.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, nagagalak siya sa ipinakitang katapatan ng driver lalo't malaking ambag aniya ito para mapaganda ang imahe ng NAIA sa mundo.

Previous
Next Post »
0 Comment