Tinupad ni Pangulong Duterte ang Birthday wish ng batang may leukemia


Pinasaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batang may Leukemia nang ito ay bumisita sa Malacañang kagabi. .

Maligayang ika-5 kaarawan John Paul! Special ang araw na ito para sa isang batang matapang na hinaharap ang hamon ng buhay ngunit nanatiling mabait at magalang sa mga tao.

Ipinagdiriwang ng 5 taong gulang na si John Paul Culiao ang kanyang kaarawan kahapon ng makita nito si Pangulong Duterte sa Malacañang kasama ang kanyang pamilya.



Ito kasi ang birthday wish ni John Paul para sa kanyang kaarawan at natupad naman ito dahil hinarap ito ng Pangulo kung saan umalis pa ito sa isinagawang Cabinet meeting sa Malacañang para harapin si John Paul.




Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, isa si John Paul sa mga benepisyaryo ng isang milyong piso na napanalunan ng Malacañang basketball team sa UNTV Cup.


Nakilala ni Go ang bata nang bumisita ang kalihim sa Philippine Children’s Hospital kung saan nagpapagamot si John Paul.

Nabatid na malapit si Pangulong Duterte sa mga bata lalo na ang mga may sakit at patunay dito ang ipinatayo nitong House of Hope sa Davao City kung saan maaaring pansamantalang tumira ang mga batang may sakit na Cancer.

Source: RMN Facebook 
Previous
Next Post »
0 Comment