Wednesday, July 18, 2018

Watch! | Isang lalaki, nasobrahan sa pag-inom ng alak namatay sa harap ng lamesa


Isang construction worker ang natagpuang patay at matigas na ang katawan habang nakasubsob sa lamesa sa Mapandan, Pangasinan. Ang biktima, maghapon daw uminom ng alak bago nakitang walang buhay ng may-ari ng tindahan.

Ayon sa ulat ni Jasmin Gabriel-Gablan sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkoles, sinabing magluluto na dapat ng agahan ang may-ari ng tindahan na si Jackielyn Zamora nang mapansin niya ang biktimang si Jerry Soriano na nakasubsob sa lamesa sa harap ng kaniyang tindahan.


Inakala umano ni Zamora na natutulog lang si Soriano at plano niyang gisingin nang mapansin niya na matigas na ang katawan ng lalaki.

"Magsasaing na po sana ako ng kanin kasi papasok yung dalawang anak ko... Tapos nakita ko na lang po sa lamesa naka ano na po siya... nakita ko yung daliri niya nangingitim na kaya ginising ko po yung nanay ko," kuwento ni Zamora.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na maghapon umanong nakipag-inuman si Soriano. Kinalaunan, natulog ito sa lamesa na nasa harapan ng tindahan.

Ayon kay Senior Inspector Bernard Antolin, hepe ng Mapandan Police Station, wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay ni Soriano.

Hindi umano nagbago ang posisyon ng katawan ni Soriano nang matulog ito hanggang sa makitang patay na siya.

"Nakita naman natin ma'am na base naman dun sa tiningnan natin 'yung cadaver, wala naman pong mga foul play [na] possible na pinalo siya ng object, ng matigas na object," paliwanag ng opisyal.

Lumabas naman sa post mortem examination sa bangkay ni Soriano na "severe alcoholic intoxication" o sobra-sobra ang nainom na alak ang dahilan ng pagkamatay ni Soriano.

"Talagang lasinggero daw, known drunkard daw ang anak niya," sabi ni Antolin batay sa pahayag ng ina ni Soriano.

Source: GMA

Related Articles

Watch! | Isang lalaki, nasobrahan sa pag-inom ng alak namatay sa harap ng lamesa
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email