Tuesday, July 17, 2018

WATCH | Lalaking balisa, biglang nang-hostage ng bata sa convenience store


Isang lalaki na balisa umano dahil sa akala na may humahabol sa kaniya ang pumasok sa isang convenience store sa Cagayan De Oro City at binihag ang isang bata.

Sa ulat ni Tek Ocampo sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi sa loob ng isang convenience store sa Barangay Kauswagan.

Bigla na lang umanong binulyawan ng suspek na si Nove Salon ang kahero ng tindahan nang makapasok at hinatak ang isang bata na pinaikutan niya ng hose ng fire extinguisher sa leeg.

Pinasok pa ng suspek ang stock room ng tindahan at doon nakuha ang baril na naiwan ng guwardiyang kakatapos lang ng duty.

Pinaputukan pa umano ng suspek ang mga pulis na nakaantabay sa labas ng tindahan pero walang tinamaan.

Sa negosasyon, sinabi ng suspek na gusto niyang makausap ang kaniyang mga kaanak. Unang dumating sa lugar ang nobya ng suspek at sumunod ang kaibigan nito.

Gayunman, nabigo silang kumbinsihin ang suspek na pakawalan ang batang hostage.

Pumayag lang si Salon na pakawan ang bata at sumuko nang dumating na at nakausap ang kaniyang kapatid.

"Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng suspek kung bakit niya ito nagawa kasi ongoing pa ang investigation natin. Pero natatakot talaga ang suspek na lumabas baka raw kung anong gawin sa kaniya ng mga pulis," ayon kay P/Supt. Mardy Hortillosa II, spokesperson, CDO Police.

Isasailalim sa drug test ang suspek at haharap sa kasong serious illegal detention.

Source: GMA

Related Articles

WATCH | Lalaking balisa, biglang nang-hostage ng bata sa convenience store
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email