Tuesday, July 10, 2018

WATCH | Pangulong Duterte, Di papopormahin sa transition gov’t si Robredo at tinawag itong “INCOMPETENT”


Walang magiging papel si Vice President Leni Robredo sakaling makalusot sa Kongreso at maipatupad ang federal government.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ambush interview sa kanya sa Clark, Pampanga kasunod ng kagustuhan nito na maglagay ng probisyon sa binalangkas na bagong batas para isulong ang federalismo.

Ayon sa Pangulo, hindi maaaring igiit ang succession dahil magiging bago ang porma ng gobyerno.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi siya magre-resign para ibigay ang puwesto kay Robredo, kundi para magkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino na makapili ng gusto nilang bagong susunod na Presidente.

Sinabi ni Pangulong Duterte na walang kakayahan si Robredo na pamunuan ang bansa at hindi siya handa para patakbuhin ang Pilipinas.

“Once it is implemented, they can provide a provision there that the Office of the President shall be declared vacant, but you have to call for an election. It cannot be a succession because I have no other agenda there except that I would like the Filipino to choose a new leader, lalo na it is a new structure and I have been an official of the structure of type of government which has been since time immemorial unitary.

“Kung siya ang mag-presidente? Look I will not resign because it will make her President. My resignation is addressed to the people para makapili sila ng gusto nila. Siya, I don’t think she can ever be ready to govern a country. Reason? Incompetence. She’s not capable of running a country like this, Philippines,” anang Pangulo.

Binuweltahan din ni Pangulong Duterte ang mga grupong nag-aakusang siya ay diktador dahil ang mga nag-iingay aniya na siya ay diktador ang mga totoong may ambisyon, kayat wala nang ginawa kundi gumawa ng malisya para mapaalis ito sa puwesto.

“Si Duterte diktador, susmarya, maniwala ka, ‘yan ang magiging diktador, ‘yan ang gusto ng ganoon. ‘Yang mga nagsisigaw na ‘yan, ‘yan ang may ambisyon wala nang ginawa kundi… they invent malice in their mind. Or better still I will invite them… her to resign with me, or not really to resign but to agree to cease being President and Vice President.

“Itong the noisy and the ambitious, and those who have really malice, pag nakatikim, and these are the group you know that were elected during the last administration. Lahat ‘yan sila served in government, ‘yung iba sa Malacañang at tanungin mo sila kung ano ang ginawa when they were in power. Sila ‘yung gustong bumalik,” dagdag pa ng Pangulo.

Source: ABANTE and News5

Related Articles

WATCH | Pangulong Duterte, Di papopormahin sa transition gov’t si Robredo at tinawag itong “INCOMPETENT”
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email