WATCH | VIRAL! Ang Batang iniwan sa loob ng sasakyan ng mga magulang habang nag-iinom


Nag-viral sa social media ang video ng isang batang umiiyak sa loob ng kotse sa isang parking lot sa Metrowalk, Pasig City kahapon.

Sa post ng netizen na si Jasper Pascual – pauwi na raw siya nang mapansin ang umiiyak na bata na sa tantya niya ay nasa 2-taong gulang, habang hinahampas ang salamin ng Fortuner na may plakang WMI661.

                                        

Napansin niya na walang ibang tao sa loob, nakapatay ang makina ng kotse at ang kaunting siwang lang sa bintana ang dinadaanan ng hangin.

Sa pag-aalalang baka ma-suffocate, tumawag si Jasper ng gwardiya na siya namang tumawag sa mga magulang ng mga bata.


Napag-alaman na nag-iinom pala ang mag-asawa na nagalit pa dahil naistorbo sila.

Taong 2013, matatandaang nasawi ang 3-anyos na si Dayne Buenaflor at 4-anyos na si James Naraga matapos ma-dehydrate at hindi nakahinga sa loob ng kotse sa Taguig City.

2016 naman nang namatay ang apat na taong gulang na sina Renz Gajo at Aljo Malaco sa Antipolo matapos ding makulong sa loob ng sasakyan.

Patay rin matapos na ma-suffocate sa loob ng kotse ang 8-anyos na si Janna Jacobe sa Maynila.

Source: RMN and FACEBOOK
Previous
Next Post »
0 Comment