Wednesday, July 25, 2018

WATCH | VIRAL!!! Pulis, nanampal ng isang bus driver sa Baclaran


Viral ang video ng pananampal ng isang police enforcer sa isang bus driver sa Baclaran, Parañaque kahapon.

Ito umano ay dahil sa pag-iwas ng driver na ibigay ang kanyang lisensiya dahil hindi naman umano sadya ang nangyaring traffic violation.

Kuwento ng pasahero ng bus na kumuha sa video, sinita ang driver sa paglabag sa closed-door policy.
                                          

Pagdating umano sa Baclaran ay isinara ng driver ang pintuan sa harapan ng minamaneho niyang bus pero nakalimutan nitong isara ang nasa likuran.

Sakto umanong nandoon ang pulis, umakyat sa bus at hiningi ang lisensiya ng driver.


Nakiusap umano ang driver at konduktor na huwag nang kunin ang lisensiya nito pero imbes kausapin nang maayos ay pinagsasampal ito ng pulis.

Source: ABANTE

Related Articles

WATCH | VIRAL!!! Pulis, nanampal ng isang bus driver sa Baclaran
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email