Bam Aquino, Dismayado sa Pagtanggi ng SC na makibahagi si De Lima sa Petisyon kontra sa Pagkalas ng Pilipinas sa ICC


Ikinadismaya ni Opposition Senator Bam Aquino ang hindi pagpayag ng Supreme Court na magkaroon ng partisipasyon si Senator Leila de Lima sa oral argument kaugnay sa kanilang petisyon kontra sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

Katwiran ni Aquino, hindi naman flight risk si de Lima dahil tiyak naman na pagkatapos ng oral argument ay babalik ito sa PNP custodial center kung saan sya nakabilanggo.


Diin ni Bam Aquino, napakahalaga na kanilang mailatag sa oral argument ang mahalagang papel ng Senado sa mga tratado na pinapasok ng bansa.

Kung saan hindi maaring i-itsapwera ang Senado kung kakalas tayo sa mga pinasukang ng international treaties.


Giit ni Aquino, si de Lima sana ang pinakanararapat na kumatawan sa kanila sa gagawing oral argument sa kataas taasang hukuman.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment