Ben Tulfo, Inupakan ang ilang Media Outlets ‘Tanga, estupido’


Nilinaw ni Ben Tulfo ang isyu kaugnay sa pagsasauli sa P60 milyong advertisement deal sa pagitan ng programa nito sa PTV 4 at Department of Tourism.

Ani Tulfo sa programa nitong Radyo ng Bayan, hindi siya nagsasalita kaugnay nito sa mga media outlet na tinawag niyang “tanga at estupido” dahil pilit umano silang ginigiba ng mga ito.


Inako rin ni Tulfo ang responsibilidad at wala umanong kinalaman ang mga kapatid niya sa isyu.

Naghamon pa itong, “You want me. Come on bring it on.”

Ang Tulfo brothers umano ay isang brand pero hindi maaaring idikit kung ano ang ginagawa nila sa isa’t isa gaya umano ng pinalalabas ng ilang media outlet.

Inupakan nito ang ABS-CBN, GMA 7, Rappler, Inquirer at Philippine Star na tinawag nitong mga tanga at bobo.

Pati na si Mike Enriquez at si Mon Tulfo na epal umano.

Sinabi rin nitong hindi pa niya kailanman nakikita o nakakaharap si Atty. Ferdinand Topacio pero inamin nitong nakausap niya sa telepono ang abogado dahil ito ang nagsalita on behalf para kay dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo. Hindi umano nila ito abogado dahil may sarili umano silang corporate attorney.

Pinanindigan din nito na alam nila ang legalidad ng kanilang kontrata at ang pagsasauli umano sa pera ay nangangahulugan na guilty siya.

Binanatan din nito si Senador Antonio Trillanes IV, na kaya nga umano hindi isasauli ang pera ay dahil hindi nila ninakaw ang naturang halaga.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment