"‘Brain-Dead’ ang Charter change sa Senado"- Kiko Pangilinan


Kung patay at abo na ang turing ng ibang senador sa Charter change (Cha-cha) at federalism, “brain-dead” naman ang tingin dito ni Senador Kiko Pangilinan.

Si Pangilinan ang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na dumidinig sa panukalang Cha-cha.

Pero kahit nanghihingalo ang Cha-cha, sinabi ni Pangilinan na kailangang maging mapagbantay upang hindi ito madaan sa puwersa ng mga pursigido rito.


“Kung tatanungin n’yo ang Cha-cha sa Senado, siguro brain-dead, naka-life support. Pero kahit nasa ICU nagkakamilagro, so abangan na lang,” sabi ni Pangilinan.

Idiniin naman na mahihirapan ang gustong magmilagro dahil kapos na ang panahon.


Ipinunto na 10 buwan na lang ang natitira sa 17th Congress at hindi umano ito sapat para mapag-aralan nang husto ang isyu, partikular ang draft federal constitution buhat sa Consultative Committee ng Malacañang.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
1 Comment
avatar

For me federalism is the best anti-thesis of oligarchic politics ruling the country's institutions. I believe on the wisdom of Shmuacher's theory: Small is beautiful. The current democratic practice failed to exercise the ideals of true representative democracy. Politicians have developed a blackhole of policy making. They believed that the mandate from election is enough basis of representation. There was no meaningful representation. Go Federalism.

Balas