"Kaya Hindi ko Mabugbog si Kiko, dahil kay Sharon"- Pangulong Duterte


Kung hindi lang dahil kay Sharon Cuneta ay matagal na sanang inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Sinabi ng Pangulo na minsan na kasi niyang napakiusapan ang senador para maka-dinner ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang asawa nitong Megastar.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi niya mabakbakan nang husto ang senador na isa sa mga matinding kritiko ng kanyang administrasyon.


“Kaya hindi ko mabugbog si Pangilinan, dahil kay Sharon. Gusto kong p*****yan, isa pa rin ‘yang ungas na ‘yan. Nandiyan lang si Sharon eh,” anang Pangulo.

Muling naulit ang dinner nina Sharon at Mayor Sara sa Davao City Biyernes ng gabi at sinikap ng Pangulo na makasalo ang mga ito kaya agad na bumalik sa Davao mula sa dinaluhang aktibidad sa Bukidnon.


Sinabi pa ng Presidente na tumulong din naman siya sa pangangampanya noon sa kandidatura ni Pangilinan pero ngayong siya ang nakaupo ay panay-panay aniya ang daldal at banat nito sa kanyang administrasyon.

“Tumulong rin ako sa kanya. Ngayon, sige na siya daldal ng walang kakuwenta-kuwenta, mas marunong pa sa akin, sus maryosep,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment