Kiko Pangilinan, Pinamamadali ang Pagresolba sa "Gulo" sa NAIA


Meron bang nag-aayos sa aiport? Kinalampag ni Senador Kiko Pangilinan ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil patuloy na nakakansela at naaantala ang lipad ng mga international at domestic flight kahit natanggal na sa pagkakabahura sa runway ng eroplano ng Xiamen Airlines.

Pinuna na dalawang araw nang natanggal ang naaksidenteng Xiamen plane, pero hindi pa rin normal ang iskedyul ng lipad ng mga eroplano.


Magulo pa rin aniya sa mga terminal ng NAIA dahil sa dami ng mga natenggang pasahero ng mga kanseladong biyahe.

“Mahigit dalawang araw na ang nagdaan, naalis na ang eroplano sa runway pero patuloy ang pag-cancel at pag-divert sa mga lipad, at ang alinlangan, kung hindi man kaguluhan, ang namamayani sa mga paliparan ‘di lang sa Pilipinas kundi sa buong rehiyon,” pahayag ng senador.

Giit ni Pangilinan sa pangasiwaan ng NAIA, bilisan ang pag-aayos ng sitwasyon at pinabibigyang prayoridad ang mga overseas Filipino worker (OFW).

“Nananawagan kami sa mga opisyal ng airport at iba pang kaugnay na sangay ng pamahalaan para tulungang ayusin ang sitwasyon agad-agad, lalo na para sa mga na-stranded na pasahero na pagod, puyat, at gutom dahil sa nangyari. Tulong lalo na sa mga aalis o darating na mga OFW na malamang ay magbayad pa ng visa fees, naubos na mga araw-paggawa, o di kaya’y na-cancel na mga job contract,” dagdag ni Pangilinan.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment