Noynoy Aquino Kumpiyansang Mananalo sa 2019 Elections


Naniniwala si dating Pangulong Noynoy Aquino na mananalo pa siya sakaling sumabak sa senatorial election sa susunod na taon.

Ngunit sinabi nito na wala siyang balak na kumandidato sa 2019 midterm elections.

Aniya, mas makakabuti kung tutulungan na lang niya sa pangangampanya ang mga kandidato na katulad sa kanyang mga paniniwala.


“Palagay ko marami pa naman akong supporter, malamang mananalo ako tapos manalo ako mag-isa ako, anong gagawin ko? Parang everyday kailangan present ako para kung solo akong opposition may tututol,” sabi ni Aquino, na nagtungo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City kaugnay sa paggunita sa ika-siyam na taon ng pagkamatay ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino.


Dagdag pa nito, na mas magiging makabuluhan kung tutulong siya na mailuklok sa puwesto ang mga kandidato na inuuna ang kapwa.

“Kung mas marami ang mapaupo natin na parehong pananaw lalo na sa Kongreso, kung maparami natin diyan ang talagang tinitingnan ang utang na loob sa kaniyang constituent na pangunahin, baka naman mas may kabuluhan,” dagdag pa ng dating pangulo.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment