Pangulong Duterte, Inaprubahan ang P25M Medical Assistance sa PNP


Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P25 milyong medical assistance para sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go matapos makita ng Pangulo ang pangangailangan para sa medical assistance ng mga pulis na nagkakasakit at nadidisgrasya habang gumaganap sa tungkulin.

Bukod pa aniya ito sa pondong gagamitin para sa pag-upgrade sa PNP General Hospital.


Sinabi ni Go na nais ng Presidente na imodernisa ang PNP hospital kagaya ng ginawa sa V. Luna Hospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte ngayong hapon sa 117th police anniversary celebration sa Camp Crame at isasabay na rin ang pagbisita at paglilibot sa PNP General Hospital para makita kung anong kagamitan ang kailangan sa pagamutan.


Matatandaang pinakumpleto ng Presidente ang mga kagamitan sa V. Luna Hospital at bumili ng state of the art na mga gamit para sa mga sundalo matapos mabatid na napabayaan ang mga ito sa mga nakalipas na administrasyon.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment