Pangulong Duterte, Magbibitiw kung gaya raw nina Bongbong at Chiz ang papalit sa kaniya


Muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa na siyang bumaba sa puwesto kung katulad nina Senador Francis Escudero o dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang papalit sa kaniya.

Sa pagtitipon na dinaluhan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa Malacañang nitong Martes ng gabi, inihayag ni Duterte na hindi niya nais na ang Bise Presidente na si Leni Robredo ang papalit sa kaniya.


Sinabi ni Duterte na hindi kakayanin ni Robredo na pamunuan ang bansa sa dami ng kinakaharap na problema tulad ng droga.

"Now the reason why I cannot tell you why that we follow the constitutional succession is this: wala akong galit kay Robredo. Panalo na ako. Hindi ako nakikipag-away ng babae. Hindi nga ako sumasagot kung ano ang sinasabi nila," anang pangulo.

"But sinabi ko, I think deep in my heart, if you follow the succession and Robredo takes over, hindi. That's my honest opinion ko lang. Kung na sino lang sana diyan, in the likes of Escudero or Bongbong Marcos," dagdag niya.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang bise presidente ang nakatalagang humalili sa pangulo kapag nagbitiw ang huli.

Tinalo ni Robredo sina Escudero at Marcos sa nakaraang vice presidential race noong 2016.

Umabot lang sa 263,473 boto ang lamang ni Robredo kay Marcos.

Nakabinbin pa sa Presidential Electoral Tribunal ang protesta ni Marcos laban sa pagkapanalo ni Robredo.

"I am ready to step down. Given the right conditions I will step down. I'm tired," sabi ni Duterte.

Una rito, inihayag ni Duterte ang pagkadismaya sa patuloy umanong katiwalian na nagaganap sa pamahalaan.

Mas nais din umano niya na mamuno ang militar sa bansa kaysa kay Robredo.

"I have nothing against Robredo. She's a lawyer. You have heard her talk. But I do not think she can improve on anything here. Of course she will deny it. You can ask the hotbed of shabu in the past years. I will not mention the name. It was Naga City," sabi ni Duterte sa hiwalay na pagtitipon.

“I would suggest to the military... if you want yourselves to be the junta, I said line up here, I'll put you in your proper place,” dagdag niya.

Bagaman wala pang reaksyon si Robredo sa panibagong pahayag ni Duterte, bumuwelta naman ang legal adviser ng pangalawang pangulo na si Atty. Barry Gutierrez.

Sa Facebook post, kinuwestiyon ni Gutierrez ang kakayahan ng mga appointees ni Duterte tulad ng mga namumuno sa Department of Tourism (DOT), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at National Food Authority (NFA).

"Mga 'competent' ayon sa Pangulo: Tourism Secretary na walang ginawa kundi mangurakot, NDRRMC head na nawawala kapag baha, NFA chief na naubusan ng bigas. Kanya na 'yung endorsement niya, sumunod na lang tayo sa Konstitusyon," sabi ni Gutierrez.

Source: GMA
Previous
Next Post »
0 Comment