Pangulong Duterte Napuyat sa Pag-Monitor sa Malawakang Pagbaha


Humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bisita sa Malacañang matapos maantala ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa Malacañang.

Bago magsimula ang aktibidad ay nagpaliwanag ang Presidente dahil kulang aniya siya sa tulog dahil nagbantay at nagmonitor sila sa mga kaganapan sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.


“Give us some allowances for the delay. You know I have been monitoring the situation the other night and medyo kulang kami ng tulog but I think everything is alright,” anang Pangulo.
Bago ang mass oath taking ay magsasagawa sana ang Presidente ng aerial inspection sa mga binahang lugar sa Metro Manila at ilang bayan sa lalawigan ng Rizal subalit kinansela dahil sa masamang panahon.


Nauna nang inatasan ng Pangulo si Special Assistant to the President Bong Go na bisitahin ang mga evacuee kaninang madaling araw para tingnan ang kanilang kundisyon at pangangailangan sa mga evacuation center partikular sa Marikina City.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment