Panoorin! | PNP chief Oscar Albayalde kinompronta ang pulis na nahuli sa buy-bust operation sa Taguig City


Hindi na nakapalag pa ang isang aktibong pulis matapos ikasa ang isang operasyon laban sa kaniya sa Providencia Street, Barangay Central Signal, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si PO1 Jeffrey Amador, 29-anyos at nakatira sa nabanggit na lugar.

Nabatid na bagong lipat lang si Amador sa Southern Police District – Special Operations Unit.


Sinasabing nakabili ng shabu mula kay Amador ang isang operatiba na nagpanggap na buyer kung saan sito na siya dinakma ng kaniyang mga kabaro saka pinosasan para hindi na makaporma pa.

Nakuha mula kay Amador ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, cellphone, kalibre .45 na baril buy-bust money at cash.


Napag-alaman na dati nang nakasuhan ang pulis dahil sa pambubugbog nito sa kanyang misis.
          

Source: RMN and PhilStar
Previous
Next Post »
0 Comment