Sunday, August 5, 2018

Planong itaas sa ₱2 million ang Pabuya sa Makakahuli sa 4 na Dating Mambabatas


Planong itaas sa P2 milyon ng citizen crime watch ang pabuya para sa pag-aresto sa apat na militanteng lider.

Ito ang tugon ni Atty. Ferdinand Topacio, legal adviser ng CCW sa pahayag ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes na ang iniaalok na P1 milyong pabuya ay isang PR gimmick at lame publicity stunt lamang.


Ayon kay Topacio, kung ang tingin ni Reyes sa pabuya ay ‘cheap’ lamang, ay maaari naman nila itong gawing P2 milyon para sa pag-aresto kina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Teddy Casiño, Rafael Mariano ng Anakpawis at NAPC Secretary Liza Maza ng Gabriela na nahaharap sa kasong double murder.

Giit naman ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate, dahil sa hakbang ng CCW ay inilagay nito sa peligro ang buhay ng apat na dating mga mambabatas.


Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court laban sa apat na mga dating kongresista dahil sa kinakaharap nitong kasong double kaugnay sa umano ay pagpatay sa ilang miyembro ng grupong Akbayan.

Source: RMN

Related Articles

Planong itaas sa ₱2 million ang Pabuya sa Makakahuli sa 4 na Dating Mambabatas
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email