Tuesday, August 14, 2018

Trillanes, Tuloy ang Plunder case vs Tulfos, PTV4, DOT


Inihayag ni Senador Antonio Trillanes IV na tuloy na tuloy ang pagsasampa niya ng kasong plunder laban kay dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at sa mga kapatid nito na sina Ben at Erwin Tulfo.

Ganito ring kaso umano ang kaniyang isasampa laban sa ilang opisyal ng Department of Tourism (DOT) at People’s Television Network, Inc. o PTV4.

Kaugnay ito ng advertisement contract ng DOT at PTV 4 kung saan kumita ng mahigit P60 milyon ang Bitag Media Unlimited, Inc. ni Ben Tulfo.

“Maliwanag pa sa sikat ng araw na lahat ng element ng krimen na plunder ay ginawa ng magkakapatid na Ben Tulfo, Erwin Tulfo at Wanda Teo at ilang opisales ng DOT at PTV4,” sabi ni Trillanes.

Idiniin na maanumalya ang paggastos ng DOT, noong panunungkulan ni Teo, ng P120 milyon sa isang programa na mababa ang rating.

Tinutukoy ang Kilos Pronto, blocktime program sa PTV4 ng Bitag kung saan hosts sina Ben at Erwin Tulfo, kasama ang isa pang anchor na si Alex Santos.

Ayon kay Trillanes, hindi maaring depensa ang sinabi ni Tulfo-Teo na hindi niya alam na sa kapatid niya ang Kilos Pronto.

Hindi naman aniya makakalusot si Erwin kahit talent lamang ito ng Bitag dahil kumita ito sa programa at inamin niya ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

“Dagdag pa rito, napaamin si Erwin Tulfo na nakinabang siya sa transaksyong ito dahil siya ay kumikita ng P150 thousand na sweldo kada episode o mahigit P3 milyon kada buwan,” ani Trillanes.

“Kaya dahil dito, tuloy-tuloy ang pagsampa ko ng kasong plunder laban sa kanila,” pahayag pa ng senador.

Source: ABANTE

Related Articles

Trillanes, Tuloy ang Plunder case vs Tulfos, PTV4, DOT
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email