Friday, November 2, 2018

Hindi Iaatras ng DOJ ang Petisyon sa CPP-NPA bilang Teroristang Organisasyon


Tuloy ang pagsusulong ng Department of Justice (DOJ) para maideklarang teroristang organisasyon ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, hindi nila iuurong ang petisyong inihain sa korte na nagpapadeklara sa CPP-NPA bilang mga teroristang organisasyon.

Ang petisyon ay nakabinbin sa Manila Regional Trial Court.


Matatandaan na noong Pebrero 2018, inihain ng DOJ sa korte ang petisyon bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan labing dalawang terror activities ang tinukoy na kagagawan umano ng CPP-NPA.

Sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act o Republic Act 9372, kinakailangang dumaan sa korte ang pagkunsidera sa isang organisasyon bilang teroristang grupo para mabigyan ng pagkakataon ang nasabing organisasyon na maipagtanggol ang kanilang panig.


Nauna nang inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mula sa “Red October,” plano nang ilunsad ng mga rebeldeng komunista ang kanilang planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa Disyembre.

Source: ABANTE

Related Articles

Hindi Iaatras ng DOJ ang Petisyon sa CPP-NPA bilang Teroristang Organisasyon
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email