Monday, November 5, 2018

Labas lang inayos! - Carlos Isagani Zarate


HINDI nagalingan at hindi rin kuntento si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa rehabilitasyon at mu­ling pagbubukas ng isla ng Boracay.

Ayon sa solon, na­bigo ang Boracay Inter-Agency Task Force na lutasin ang seryosong problema sa anim na buwang rehab ng isla.

Kabilang sa task force ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) gayundin ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Binigyang-diin ni Zarate na ang ­panlabas na hitsura lamang ng ­Boracay ang ­inasikaso.

“Boracay’s problem is a complex problem. It’s not just the water pollution where there is a lot of coliform or the vo­lume of garbage in the wetlands. Na-rehabilitate ba talaga nila ‘yung buhay ng Boracay?” hirit ng militanteng solon sa isang panayam.

“Kasi ang kanilang nakikitang problema lang ay on the surface, ‘yung pang-turismo. Ang problema ng kabuhayan, ang problema sa kasiguruhan sa paninirahan ng mga residente doon, ‘yan ang hindi nila natutugunan hanggang ngayon,” pagpupunto ni Zarate.

Pagsapit ng Oktubre 26 ngayong taon ay muling binuksan sa publiko ang isla.Matatandaan na noong Abril 26 ng kasalukuyang taon ay ipinag-utos ng Malacañang na isarado ang isla sa mga turista.
Isinailalim sa rehab ang Boracay na tinawag na “cesspool” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Zarate na libo-libong kababayan ang nawalan ng kabuhayan nang isara ang isla.

“36,000 (lokal na manggagawa ang nawalan ng trabaho) when it was closed for six months. I doubt it that the environmental problems have been duly addressed. In six months you can’t solve that,” giit ni Zarate.

Isa pa aniya sa problema ay nakopo ng malalaking negosyante ang mga lugar sa isla.

“Ang mga kalupaan ng Boracay ngayon kontrolado ng mga malala­king negosyo,” sabi ng solon.

Related Articles

Labas lang inayos! - Carlos Isagani Zarate
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email